———- a poem by her loving sister, Benjamina
Ang disciplinarian na ina, lola, at maestra but super bait at sweet na sister kita, colleague, o tulska
Wansapanatym, may isang bata, ang pangalan ay Carmela, kahulugan ay kay bongga!
Bunso ni Paquito at Pacita sa anak na labing isa. Carmel sa wikang Hebrew ang ibig sabihin ay hardin o
ubasan ng Diyos na dapat pagyamanin at palaguin. Kaya naman kay daming magagandang anak at apo
na naging yaman hindi lang dahil kay Ong kung hindi mga mag-aaral ng MSU na nangangailangan.
Tulad ng ama namin na di kayamanan, aba’y ang daming Bulungang eskewala e sariling mga anak ay kay
pureza noong nagsisimulang magtaguyod ng pamilya. Kakapusan ay parang di alintana sa paniniwalang
may Diyos na kakalinga na dumadating nga naman mula sa kung saan saan tulad ni Estela at Rudyard
Lozada, kasama na si Camille at Gracia, Paz at Pol Durico, Glenn na eldest at favorite na pamangkin o
Kenjave na laging nasa ubasan ulan ma’y di magdaan. Sympre si Benjamina, na laging partner pag may
expense beyond her, lagi kasing nagboboluntaryo alagaan si ganito, alagaan si ganiyan kahit sariling
buhay ay kalbaryo, at ang kanyang kuya sandz as mentor na always ready para kay mentee.
Ayaw niyang mag dean sa totoo lang subalit nadala sa udyok nina Sandy at Benjie na tumulong upang
programa ay gumanda pa. Alam nang lahat na hindi naging madali ang buhay ng super womang si
Carmela na all smiles tuwina di halata na kaydaming dinadalang problema buti na lang may dugong
Kasatila, matibay ang loob na kayang harapin anuman ang makarating sa damdamin.
Kaya naman limang anak na babae ay puro Titulado lahat produkto ng sariling pawis, tiyaga, at
determinasyong tumayo sa sariling paa at kusa. Salamat sa MSU siguradong mamimiss niya kayo. Sa
katunayan ayaw niyang pakinggan ang AVP na pinadala ni Doc Norman na unang nota pa lang ay paiyak
na ang Melang.
Madaling pakiusapan o hingan ng tulong ito man ay pang akademiko o domestiko maging sa pagluluto ay
handang magturo kahit via zoom empanadang recipe ay boom na boom. Yun lang limot ko na.
Magpahouse sit ay de nada kahit pa sya ang pumuno ng refrihadora. Noong hinagupit ni kristine ang
Luzon, gusto pang pumunta ng Los Baños upang tumulong dahil baha sa loob ng bahay naming ay
walang humpay.
Pagdating ng Enero bayad na ang amelyar ko basta lang reimbursement ay sobra dito. Subalit ayaw
maghugas ng plato kaya ang lusot ay pagpapiano. Minsan habang nagpapiano, narinig na tinatawag ng
Papa na kung tawagin ay Came. Nang marinig ang meeeh, meeh, dali daling tinapos ang pagpapiano at
dagling lumabas baka mapalo. Ang ama nama’y may sa hudio, sinturong mahaba, paglumapat pihado
dila lang ang walang lapat. Paglabas, ng pinto, bumungad ang tumatawag, meeeh, yun pala kambing na
alaga ni Mamang Veling. Ang paboritong tugtugin sa piano ay Fur elise na sinasabayan ng pilyo naming
kuya na si Beloy sa liriko na: “Ting-aling, aling naghihintay, ang plato mo naninigas,” na mauuwi sa tawa
sa pang-aalaska ng pilyong kuya.
Kahit bumiyahe ng apat-naput at dalawang kilometro mula kay Estela sa Alabang sakay ng bus may
dalang panga, sashimi, at pampano makita lang ang sisterakang nakatira sa bundok ni Maria. Tinipon
kaming tatlo noong Disyembre, kasama si Laura na taga Pampanga. Hindi pumayag na walang picture
ang triolos pangits na kung tawagin ng Papa, yun pala ay huling mahjong na may tongits 101 pa.
Tunay ngang kahanga-hanga ang naging buhay ni Melang na kahit shuldetz (suplada) ay may dahilan at
kung kinakailangan. Mga anak ay bugbog sarado, masakit man sa loob, may vicks na katapat ito. Marahil
ay mana sa aming ama, na sa lakas ng boses at laki ng mata, siguradong tiklop ka na.
Subalit, sa likod ng masungit na anyo, nakatago ang malambot na puso na nagpapatunay kung ano ang
totoong pakay. Kaya naman mga anak ay hindi umaalma bagkus pinapakiramdaman lang ang awra
pagdating ng ina dahil alam nila kung ano ang hirap ng maging isang single parent na puro girls pa ang
rarampa este may isa pala na ex gurl na.
Naikwento sa akin na sa pamantasan ay mahal sya ng mga kasama kahit pa nga minsan ang taray ni
ma’am Carmela. Noong nagraduation aniya mga batang pasuway ay inalis sa linya. Ganunpaman, mga
mag-aaral takot man ay may respeto dahil alam nila sa ikabubuti ang pakay nito. Ika nga galit with a
purpose.
Sa iyong bagong paglalakbay, alam ko may bago kang magandang puting kotse animo’y bridal car
papunta kay San Pedro waiting from afar. Wag mag atubili kung ikaw ay mabore dyan nandito kami
upang mapansin na ikaw ay nasa aming tabi. Kung ganyan ang itsura na parang si sleeping beauty,
gorabels, magselfie ay kering-keri.
Melang, thank you for the love and the courage you have shared, you will always be remembered for
you have proven to me as I’ve requested that you will visit me to prove that life does not end here but
continues to linger. Parang K-drama, heavenly ever after. True enough you have proven this not once but
thrice! To you Melang, may you have a new beginning in the vineyard of God, which you have
accomplished in many ways, many roles only you can play. Paalam, Melang, labyu ang lagi mong sinasabi
tuwing nagchachat tayo. Sana may internet kayo diyan para mag maritesan tayo. Happy birthday,
Melang!
================================
Born July 15, 1963, Carmela Gonzalez Ong earned a Bachelor of Secondary Education major in Filipino from the Philippine Women’s University. She obtained a Master of Arts in Education major in Reading from Mindanao State University–General Santos City. She successfully completed her PhD in Filipino at the Mindanao State University–Iligan Institute of Technology. For more than three decades, she served as a professor of Filipino Language and Literature at the College of Social Sciences and Humanities of MSU–GSC. She was an active advocate of indigenous literature and society, contributing to National Commission for Culture and the Arts folklore research, particularly on the indigenous Tboli group. She was an active member of organizations and movements dedicated to sharing knowledge with indigenous peoples to enhance their literacy levels, through which the extension program “IPagtuturo – Literacy Outreach Program for IPs” gained recognition and awards. She served as Dean of the College of Social Sciences and Humanities at Mindanao State University–General Santos from 2021 to 2024. She died on July 9, 2025.














